^

Metro

8 kalaboso sa drug ops

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
8 kalaboso sa drug ops

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang walong katao kabilang ang isang tandem na ‘tulak’ umano ng droga sa isinagawang drug-bust operation ng mga otoridad sa lungsod ng Valenzuela, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga dinakip na tandem na pusher na sina Shannel Samson, 28, babae, ng Urrutia St., Brgy. Gen. T. De Leon at Benson Maguigad, 42, ng Teresita Compound, Teacher’s Village, ng naturang barangay.

Ang anim pang nadakip ay sina Mark Anthony Factor, 40; Alexander Policarpio, 37; Ceneil Patrick Jutie, 28; Peter James Jimenez, 33; Allan Augusto, 49 at John Delfin Somontina, 31, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng Sabado ng madaling araw nang bumagsak sa bitag na ikinasa ng mga pulis gamit ang isang poseur buyer ang mga suspek na sina Samson at Manguigad nang magbenta ng shabu kapalit ng marked money.

Inaresto naman sina Factor at Policarpio na kasabay ding bumili ng shabu sa mga suspek habang nahuli sa akto sa pot session sa isang bahay sina Jutie, Jimenez, Augusto at Somontina.

Nakumpiska ng mga pulis sa operasyon ang 10 piraso ng maliit na plastic sachet ng shabu, dalawang plastic sachet na nabuksan na, at drug paraphernalia.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with