^

Metro

Taxi nasunog sa EDSA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang taxi ang nagliyab at natupok habang binabaybay ang EDSA sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay SFO3 Rommel Perez ng Agham Fire Station, dakong alas-4:47 ng hapon nang maganap ang insidente sa northbound ng EDSA malapit sa Balin­tawak.

Bigla na lang umanong umusok hanggang sa tulu­yang magliyab ang behikulo. 

Agad namang rumes­ponde ang bumbero at ina­pula ang apoy.

Ligtas naman ang hindi pinangalanang driver ng taxi matapos na kaagad na makalabas ng sasakyan.

Tupok na tupok naman ang unahang bahagi ng sasakyan kung saan matatagpuan ang makina nito kaya’t hinalang doon nagsimula ang apoy.

vuukle comment

TAXI CAB ON FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with