^

Metro

Manila Bay binakuran na ng DENR

Angie dela Cruz, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Manila Bay binakuran na ng DENR
Binakuran na kahapon ng DENR ang may 1.5 kilometro na kahabaan ng Manila Bay kaugnay sa isa-sagawang rehabilitasyon nito at para na rin maiwasan itong gawing public swimming pool na delikado sa kalusugan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Binakuran na ng De­part­ment of Environment and Natural Resources ang 1.5 kilometro na kaha­baan ng Manila Bay bilang bahagi ng rehabi­litasyon at panimula sa paglalagay ng tubo para sa maayos na sewerage system na pipigil sa polusyon sa tubig ng baybayin.

Ayon kay DENR Se­c­­­re­tary Roy Cimatu, ipi­nu­­­wes­to ang harang na bakal simula sa US Embassy hanggang Manila Yacht Club na sumasakop sa mga estero ng Padre Faura, Remedios at De Abad na aniya ay kabilang sa mga nagpaparumi sa tubig ng Manila Bay.

Ang ikakabit na tubo ang magiging daluyan umano ng tubig sa paglilinis nila ng mga basura sa baybayin.

Bukod sa mga inaanod  na basura, inaasahang ma­kapal na burak umano ang mahahakot mula sa ilalim ng dagat, dahilan upang mabansagan ito bilang “Burakay.”

Sa idinaos na media forum sa Kapihan sa Manila Bay kahapon, sinabi ng kalihim na layon din ng ilalagay nilang harang na mapigilan ang mga taong lumangoy sa baybayin habang hindi pa nila ito idinideklarang lubusang malinis at ligtas na gawing public swimming pool.

Ibinunyag din nito na 65 establisimyento pa sa paligid ng Ma­nila Bay ang posibleng ma­ipasara nila dahil sa pag­labag sa mga batas pangkapaligiran na pa­ngu­nahin aniyang dahilan ng polusyon.

Kasabay nito’y tiniyak naman ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na hindi paaalisin sa kanilang mga tirahan ang mga residente ng Baseco sa Maynila habang isinasagawa ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Magtatayo aniya sila ng temporary communal septic tank sa iba’t ibang bahagi ng compound para hindi tumapon sa baybayin ang kanilang mga dumi.

Samantala, paaalisin naman ng DENR ang mga informal settler na nasa pali­gid ng baybayin sa Cavi­te upang bigyang-daan ang paglilinis sa bahaging ito ng Manila Bay. Sinabi ni Antiporda na bibigyan naman nila ng maayos na relokasyon ang mga paaalising informal settler.

vuukle comment

DE­PART­MENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with