^

Metro

Rider namaril, 6 katao sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilang motorcycle rider ang walang pakundangan na namaril na nagresulta para tamaan ang anim na bystan­der sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Di­rector, P/Chief. Supt Joselito  Esquivel Jr ang mga biktima na sina Carmen Dionisio, 40; Albert Daymil, 35; Jorlin Bitales, 35; Eden Timbreza, 38; Cecilio Lacsina, 59  at  isang menor-de-edad na babae.

Pawang nagtamo ng ta-ma ng bala ng kalibre .45 baril ang mga biktima sa  iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at paa na ngayon ay ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Nabatid mula kay P/Supt Joel Villanueva, hepe ng QCPD-station 6, dakong alas-8:30 ng gabi ay nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa basta na lamang pamamaril ng isang rider sa kanilang lugar.

Agad namang nagres­ponde ang mga awtoridad pero hindi na nila dinatnan ang suspek sa halip ang kanilang inabutan ay ang mga sugatan na residente ng Adarna Extension corner Pilot Drive, Brgy. Commonwealth kaya isinugod nila  sa pagamutan.

Nangangalap na rin ng CCTV footages ang mga awtoridad para makilala ang suspek.

vuukle comment

SHOOTING INCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with