^

Metro

Vendors, palaboy winalis sa Manila Bay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vendors, palaboy winalis sa Manila Bay
Alas -7 ng umaga nang isagawa ng Manila Department of Social Welfare, Department of Public Services, Manila Action and Special Assignment at City Security Force ang operasyon at clean-up drive sa Manila Bay.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinuyod ng mga tauhan  ng pinagsanib na puwersa ng Manila City hall at Manila Police District ang kahabaan ng Manila Bay upang linisin ang lugar mula sa mga vendors at tambay.

Alas -7 ng umaga nang isagawa ng Manila Department of Social Welfare, Department of Public Services, Manila Action and Special Assignment at City Security Force ang operasyon at clean-up drive sa Manila Bay.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, ang operasyon sa kahabaan ng Roxas Blvd.sa Manila Bay ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang Manila Bay. Sangkaterbang basura din ang nahakot na sa Manila Bay na agad namang  hinakot ng DPS.

Nabatid sa DPS na regular na nila umanong ginagawa ang paglilinis sa kahabaan ng Roxas Blvd. at walang katotohanan ang paratang ng ilang mga kritiko na ginagawa lamang ni Estrada ang paglilinis dahil sa nalalapit na eleksyon.

vuukle comment

MANILA BAY CLEANUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with