^

Metro

40 bilanggo sa Bilibid pinalaya noong Pasko

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
40 bilanggo sa Bilibid pinalaya noong Pasko
Sabi ni Adelino Suyu, Jr., Chief Probation and Parole Officer ng Bureau of Corrections (BuCor), bawat bilanggo na lumaya at binigyan ng parole ay sumailalim muna sa briefing at documentation.

MANILA, Philippines — Lumaya noong nakaraang  Pasko ang nasa 40 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos na mabigyan ng parole ng Bureau of Pardons and Parole  (BPP) ng  Department of Justice (DOJ).

Bukod sa napagsilbihan na ng mga ito   ang parusa sa loob ng bilangguan, bumase rin ang kanilang paglaya sa kanilang magandang record.

Sabi ni Adelino Suyu, Jr., Chief Probation and Parole Officer ng Bureau of Corrections (BuCor), bawat bilanggo na lumaya at binigyan ng parole  ay sumailalim muna sa briefing  at documentation.

Kabilang sa mga patakaran na dapat nilang sundin ay   regular na pagre-report sa kanilang local parole officer at pag-iwas sa bisyo.

Ayon sa BuCor, inihahanda rin nila ang mga inmates na lumaya sa magiging buhay sa labas sa pamamagitan ng livelihood training, moral, social at religious programs

Umaasa ang BuCor,  na maitutuwid na ng mga lumayang bilanggo  ang kanilang mga pagkakamali at magiging produktibong miyembro ulit ng lipunan.

vuukle comment

INMATES

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with