^

Metro

Bebot itinumba sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bebot itinumba sa Maynila
Ayon kay P/Chief Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide section, nagpa­patrulya umano ang mga opisyal ng Barangay 649 nang makatanggap ng impor­masyon na may babae na binaril sa may Dubai Street dakong alas-11:20 ng hatinggabi.

MANILA, Philippines — Patay ang isang  hindi pa nakikilalang babae na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang gunman, kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay P/Chief Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide section, nagpa­patrulya umano ang mga opisyal ng Barangay 649 nang makatanggap ng  impor­masyon na may babae na binaril sa may Dubai Street dakong alas-11:20 ng hatinggabi.

Naghihingalo pa ang biktima nang dumating  ang mga pulis kaya’t mabilis itong isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center. Gayun­man, idineklarang dead-on-arrival ang biktima na tinatayang nasa edad 25-35. Walang sinu­man sa lugar ang naka­pagbigay ng detalye tungkol sa insidente.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng pulisya para alamin ang pagka­kakilanlan ng biktima at ang salarin.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with