^

Metro

Expired Noche Buena products, nasamsam

Rey Galupo - Pilipino Star Ngayon
Expired Noche Buena products, nasamsam
Sunud-sunod na sinuyod ng puwersa ang mga stalls sa panulukan ng Villalobos at Carlos Palanca St. kamakalawa kung saan kinumpiska ang mga processed food products na natuklasang mga expired na.

MANILA, Philippines — Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) – NCR at Food and Drugs Administration-Regulation Enforcement Unit (FDA-REU) ang mga expired na Noche Buena items sa ginawang pagsalakay sa mga ambulant vendors sa Quiapo, Maynila.

Sunud-sunod na sinuyod ng puwersa ang mga stalls sa panulukan ng Villalobos at Carlos Palanca St.  kamakalawa kung saan kinumpiska ang mga processed food products na natuklasang mga expired na.

Kasama rin sa isinagawang operasyon na nagsilbing security at tactical support ang mga tauhan ng NCRPO.

Kabilang sa mga nasamsam na items ay mga Noche Buena items katulad ng keso de bola, margarine, sweet tomato catsup, spaghetti sauce, keso, kape at mga cream na lalagyan ng label ng mga kilalang kompanya.

Dahil dito nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na maging maingat sa pagbili  dahil marami ang nagta-tampered sa iba’t ibang produkto na ibinebenta lalo na sa mga bangketa.

vuukle comment

NOCHE BUENA

REGIONAL MOBILE FORCE BATTALION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with