^

Metro

Inarestong ‘pasaway’ sa MM, pumalo sa 370-K

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Inarestong �pasaway�  sa MM, pumalo sa 370-K
Sa ulat ng National Capital Regional Police Office, nasa 376,959 na ang nasita at dinampot dahil sa paglabag sa city ordinances mula Hun­yo 13 hanggang Oktubre 13.
File

Sa loob ng 4 na buwan

MANILA, Philippines — Pumalo na sa higit 370,000 ang mga pasa­way at mga istambay na luma­labag sa iba’t ibang ordi­nansang ipinatutupad sa mga lungsod sa Metro Manila ang nadakip ng pu­lisya mula nitong buwan ng Hunyo.

Sa ulat ng National Capital Regional Police Office, nasa 376,959 na ang nasita at dinampot dahil sa paglabag  sa city ordinances mula Hun­yo 13 hanggang Oktubre 13.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar na pinakamarami sa na-dampot ay mga lumabag sa smoking ban na aabot sa 117,144.

Nasa 17,807 ang nahu-ling nag-iinuman sa kalsa­da; 26,068 sa walang damit pang-itaas; 25,129 ang luma­bag sa curfew hours sa kabataan; at 190,811 sa iba pang ordinansa.

Nasa 263,519 sa mga lumabag ang binigyan ng warning, 68,467 ang pinagmulta, 44,973 ang sinampahan ng reklamo at 19 naman ang kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Matatandaan na nagpalabas ng kautusan si Pa-ngulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang mga istam­bay sa mga dis-oras ng gabi na pinalawak pa ang kampanya ng PNP nang pahigpitin ang pagpapatupad ng mga ordinansa at ma-bawasan ang magaganap na krimen.   

vuukle comment

CURFEW HOURS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with