^

Metro

3 ‘life’ sa 3 Chinese na nahulihan ng 800 kilo ng shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 �life� sa 3 Chinese na nahulihan ng 800 kilo ng shabu
Batay sa desisyon ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 264 acting Presiding Judge Genie Gapas-Agbada, na na-promulgate nitong Biyernes, hinatulan ng tig-tatlong life imprisonment sina Chen Wen De, alyas Jacky Tan; Wu Li Yong, alyas David Go, at Shi Gui Xiong, alyas Xiong, matapos na mapatunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MANILA, Philippines — Hinatulan ng tig-tatlong habambuhay na pagkabilanggo ng mababang hukuman ang tatlong Chinese nationals na nahulihan ng halos 800 kilo ng shabu sa isang drug operation sa San Juan  City noong taong 2016.

 Batay sa desisyon ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 264 acting Presiding Judge Genie Gapas-Agbada, na na-promulgate nitong Biyernes, hinatulan ng tig-tatlong life imprisonment sina Chen Wen De, alyas Jacky Tan; Wu Li Yong, alyas David Go, at Shi Gui Xiong,  alyas Xiong, matapos na mapatunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan  sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 Bukod dito, inatasan din sila ng hukuman na magba­yad ng tig-P30 milyong multa.

 Samantala, ang kanilang mga kapwa akusado na mga Pinoy na sina Salim Arafat, Basher Jamal at Abdullah Jahmal ay hinatulan din naman ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagmumulta ng tig-P10 milyon.

 Sa rekord ng hukuman, nag-ugat ang kaso ng mga akusado sa sunud-sunod na pagsalakay ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Drugs at mga pulis sa tatlong lugar sa San Juan City, na kinabibilangan ng Mangga St., Brgy. Little Baguio; isang fastfood joint sa Annapolis, Greenhills at Bonifacio St., noong Dis­yembre 2016, at nagresulta sa kanilang pagkaaresto at pagkakumpiska ng kabuuang 793.238 kilo ng shabu.

 Ang naturang pagsalakay ang itinuturing na isa sa pinakamalaking drug operation sa bansa. 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with