^

Metro

Parolado itinumba sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Parolado itinumba sa Caloocan
Sanhi ng maraming punglo na bumaon sa iba’t ibang bahagi ng katawan, binawian ng buhay noon din ang bik­timang si Cezar Ruiz, 38-anyos, may-asawa, residente ng San Vi-cen­te St., Brgy. 178 Ca­­marin, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Isang paroladong mister sa kasong carnapping ang nasawi matapos na rapiduhin ng bala ng mga ‘di pa nakikilang suspek naganap kahapon ng mada-ling araw sa lungsod ng Caloocan.

Sanhi ng maraming punglo na bumaon sa iba’t ibang bahagi ng katawan, binawian ng buhay noon din ang bik­timang si Cezar Ruiz, 38-anyos, may-asawa, residente ng San Vi-cen­te St., Brgy. 178 Ca­­marin, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bang-kay ni Ruiz na naliligo sa sariling dugo sa isang eskinita sa nasabing barangay.

Ayon sa saksing si Rea Bernas, nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril at nang tumahimik na ay saka nila binuksan ang bintana ng kanilang bahay kung saan ay dito na tumambad ang naka-handusay na biktima.

Agad naman nilang iniulat ito sa mga opis-yales ng kanilang bara-ngay na siyang tumawag ng responde ng mga pulis.

Narekober sa lugar ng krimen ang limang napaputok na cartridge at isang basyong bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

CARNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with