^

Metro

Mahigit 21K pang residente ng Marikina, nananatili sa mga evacuation center

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mahigit 21K pang residente ng Marikina,  nananatili sa mga evacuation center
Libu-libo pa ring mga evacuees ang nananatiling nasa evacuation center sa Brgy. Malanday Marikina City na nakapila para kumuha ng ipinamamahaging relief goods.
(Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Mahigit 21,000 pang residente ng Marikina City ang nananatili sa mga evacuation centers sa lungsod hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa pamunuan ng Eastern Police District (EPD), hanggang alas-2:00 ng hapon nitong Lunes, ay nasa 5,029 pamilya o kabuuang 21,684 indibiduwal pa ang nasa evacuation cen-ters sa lungsod, dahil hindi pa humuhupa ang baha sa kanilang mga tahanan.

May mga tahanan naman na bagamat wala nang baha ay hindi pa rin makauwi ang mga residente dahil kinakailangan pang linisin ang kanilang mga bahay na napuno ng mga putik, na dala ng malalim na pagbaha nitong weekend.

Kaugnay nito, personal na nagtungo kahapon ng umaga sa Marikina City ang matataas na opisyal ng Phi-lippine National Police (PNP), sa pangunguna ni Director General Oscar Albayalde, upang alamin ang kalagayan ng libu-libong residente na napilitang bumakwit mula sa kanilang mga tahanan matapos ang mala-Ondoy na pag-ulan at pagbaha na naganap nitong weekend, dulot ng habagat.

Bukod dito, namahagi rin ang mga police officials ng mga relief goods sa 1,205 pamilya o 5,517 indibidwal na nasa Malanday Elementary School evacuation center, at hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan dahil lubog pa ang mga ito sa baha.

Bumaba na rin naman sa unang alarma ang alerto ng   Marikina River, matapos ang 15.5 metro ang antas ng tubig nito.

vuukle comment

EASTERN POLICE DISTRICT

EVACUATION CENTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with