^

Metro

Joy B nanguna sa human milk fund raising drive sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy B  nanguna sa  human milk fund raising drive sa QC
“Nagliligtas ng mga bu-hay ang human milk bank ng Quezon City. Bilang suporta rito, kumakalap kami ng pondo para sa ating milk bank na nasa Quezon City General Hospital na tumutulong sa mga nanganganib na mga sanggol,” wika ni Belmonte.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bilang pagdiriwang sa  National Breastfeeding Month ngayong Agosto, pina­ngunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmon­te ang isang human milk bank fundraising program na nagkakaloob ng tulong sa mga sanggol at bata na nanga-ngailangan ng gatas ng ina.  

“Nagliligtas ng mga bu-hay ang human milk bank ng Quezon City. Bilang suporta rito, kumakalap kami ng pondo para sa ating milk bank na nasa Quezon City General Hospital na tumutulong sa mga nanganganib na mga sanggol,” wika ni Belmonte.  

Sa pakikipagtulungan sa Quezon City Human Milk Bank (QCHMB), nag-organisa ang Sangguniang Panlungsod ng raffle at ukay-ukay sa Quezon City Hall sa buong linggo kaalinsabay ng “milk-letting activi­ty” na isinagawa sa Que- zon City General Hospital.

Bilang pinuno ng QC Coun­cil, pinangasiwaan ni Belmonte noong 2012 ang pagpasa ng Ordinance No. 2195 para sa pagpapatayo ng “human milk banks” sa mga ospital na pagmamay-ari ng lunsod.

Bukod dito, naipasa rin    ang Ordinance No. 2076 noong 2011 na nagtatagu­yod ng kahalagahan ng breastfeeding sa lungsod upang madepensahan ang karapatan ng mga bata na magkaroon ng sapat na nutrisyon.

 Kaugnay nito, sinabi ni QC Councilor Alyson Medalla, ang may-akda ng milk bank ordinance, na ang fundraising na ito ay hindi lamang para matulungan ang natu-rang ospital pero layon din na maipaalam sa publiko ang importansya ng pagkakaroon ng  “human milk bank”.

vuukle comment

JOY BELMON­TE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with