^

Metro

‘Lingap Laban sa Kahirapan’ dinagsa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Lingap Laban sa Kahirapan� dinagsa
Nagsimula ng alas-8:00 ng umaga, kahapon na tuloy-tuloy hanggang gabi sa kabila ng pabugso-bugsong ulan at makulimlim na panahon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang mahigit 100,000 katao ang dumagsa sa isinagawang “Lingap Laban sa Kahirapan” para sa ika-104 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Burnham Green, sa Rizal Park, Ermita, Maynila.

Nagsimula ng alas-8:00 ng umaga, kahapon na tuloy-tuloy hanggang gabi sa kabila ng pabugso-bugsong ulan at makulimlim na panahon.

Hindi lamang mga miyembro ng INC ang nagsidatingan sa nasabing kaganapan na bukod sa pamamahayag ng mga salita ng Diyos at programa ay nagkaloob din ng mga libreng serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan.

Ang serbisyong medikal  na naihandog ay kinabibilangan ng dental checkup, complete blood count, blood sugar determination, blood typing, urinalysis, ultra sound, at  2d echo, at libreng kosultasyon sa mga dermatologist, ophtalmologist, pediatrician at general medicine. Layunin ng nasabing gawain na maipaabot sa publiko, di lamang sa mga kasapi ng INC, ang tulong na makukuha ng libre sa halip na magbayad pa sa mga pribadong pagamutan. Namahagi rin sila ng relief goods.

Todo-bantay naman ang Manila Police District sa nasa­bing event sa pangunguna ni Supt. Igmedio B. Bernaldez, ang nagsilbing ground commander.

vuukle comment

IGLESIA NI CRISTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with