^

Metro

3 itinumba sa Taguig

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang tatlong lalaki sa magkahiwalay na insidente na naganap sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Sa unang insidente, nagtamo ng mga tama ng baril sa ulo at katawan  buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril,sina Rodel A. Dizon, 58 at Arman Ramos Jeguna,   kapwa nakatira sa  Dinggin Bayan, Brgy. Ibayo, Tipas ng naturang siyudad.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect at nagsasagawa pa ng follow-up operation hinggil sa insidente.

Ayon sa hepe ng Taguig City Police na si Police Sr. Supt. Alexander Santos, alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Snake Roas Romantic, Brgy. Santa Ana ng naturang siyudad ng isang Boy Banarez nang lumabas ito ng kanyang bahay.

Dali-daling pinuntahan ng mga pulis ang lugar at dito nga nila natagpuan ang nakahandusay  na bangkay ng mga biktima habangnatagpuan din ang isang inabandonang motorsiklo.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa isinagawang pamamaslang sa mga biktima.

Samantala, ayon naman sa hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police na si Chief Inspector Roman Salazar, alas-12:45 kahapon ng madaling araw nang matagpuan ang isa pa ring bangkay ng lalaki sa isang bangketa sa  panulukan ng Morning Glory St., at C-5 Service Road, Brgy. Pembo ng naturang siyudad.

Nagtamo ito  ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril at inaalam pa ng pulisya kung sino ang res­ponsable sa pagpaslang  dito.

vuukle comment

NAPATAY

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with