^

Metro

Pangulo ng neighborhood association, itinumba

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang presidente ng isang neighborhood association matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect,  kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Nasawi noon din ang biktimang si Jonathan Sira, 49,  nakatira sa Magsaysay St., Brgy. Lower, Bicutan ng nasabing lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t bang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng suspect.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-12:30 ng madaling araw, malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pahayag sa pulisya ng misis ng biktima na si Arlene, humingi ng sampung piso ang kanyang asawa at lumabas ng bahay para bumili ng sigarilyo.

Makalipas ang isang oras, may kumatok sa kanilang pinto at ginising siya ng kanyang mga kapitbahay at doon ibinalitang nakitang duguang nakabulagta at wala ng buhay  ang kanyang mister.

Nabatid sa ginang, na wala siyang alam na may kaaway ang mister at hindi naman aniya ito nasangkot sa droga.

Maliban lamang aniya sa pagiging presidente ng kanyang mister ng DOTC Neighborhood Association at tumutulong ito sa pag-aayos ng mga kaso sa lupa.

Tikom naman ang bibig ng mga kalugar ng biktima hinggil sa insidente at patuloy na iniimbestigahan ang naturang pamamaril.

vuukle comment

NEIGHBORHOOD ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with