^

Metro

7 na ang nasawi sa sumabog na LPG refilling station sa Pasig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat na sa pito katao ang nasasawi sa naganap na pagsabog ng Liquefied Petrolium Gas (LPG) refilling station sa Pasig City noong Enero 11.

Nabatid mula kay Senior Insp. Anthony Arroyo, hepe ng investigation unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasig City na ang tatlong huling nasawi ay sina Joel Eda, 28; Alejandro Conrad, 42; at Jeffrey Eugenio, 35, pa­wang stay-in employee ng sumabog at na­sunog na Omni Gas Corporation.

Ayon kay Arroyo, si Eugenio ay nalagutan ng hininga dakong ala-1:00 ng hapon kahapon, si Conrad ay ala-5 ng hapon, kamakalawa habang si Eda ay ganap na alas-7:00 ng umaga kahapon.

Ang tatlo ay pawang nagtamo ng 90-95 percent na lapnos at sunog sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan dahil sa naganap na insidente.

Unang nasawi sa pagsabog sina Camilo Alcaraz Jr., 18, delivery boy; Romeo Eugenio, 28, Jectopher Caoili, 21 pawang trabahador at William Khey, 39, supervisor ng Omni Gas Corporation.

Nananatili namang nasa kritikal ang kalaga­yan sa pagamutan sina Arvin Bautista, 20; Domingo Guira, 29; Raymart Eda, 22 at Epifanio Ausa, 50, na pawang nagtamo ang lapnos ang 90 percent ng kanilang katawan dahil sa insidente.

Kasalukuyang nagra-rush sa trabaho ang mga tauhan ng Omni Gas Corporation nang ma­ganap ang pagsabog dakong ala-1:06 ng mada­ling araw noong Miyerkules sa Sandoval Street sa Brgy. San Miguel, Pasig City.

Sumisigaw naman ng hustisya ang pamilya ng mga biktima at hinihiling na managot ang may-ari ng Omni Gas Corporation dahil sa nangyari.

vuukle comment

PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with