^

Metro

Bomba sa US Embassy, nasilat

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bomba sa US Embassy, nasilat
Pinagtutulungan ng dalawang tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Manila Police District na mai-detonate ang isang improvised explosive device (IED) na natagpuan malapit sa US Embassy sa kahabaan ng Roxas Blvd. kahapon ng umaga.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Nasilat ang tangkang pagpapasabog na posible umanong konektado o bahagi ng diversionary tactics  ng Maute terrorist groups sa natagpuang  improvised explosive device (IED) may ilang metro ang layo sa United States Embassy sa Roxas Boulevard, Maynila kahapon ng umaga.

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na opensiba ng militar laban sa Maute terrorist sa Lanao del Sur na nasa ikaapat na araw na ang bak­bakan matapos namang lusubin at okupahin ng naturang grupo ang mga abandonadong gusali sa bayan ng Butig.

Sinabi ni PNP Chief P/ Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa  na ang signature ng bomba na natagpuan sa basurahan may ilang metro mula sa US Embassy ay kahalintulad ng bomba na ginagamit ng Maute terrorist group.

Sinabi naman ni NCRPO Director P/Chief Supt Oscar Albayalde na ang signature ng bomba na natagpuan ay kahalintulad ng ginamit ng Maute terrorist sa pambobomba sa night market sa Davao City noong Setyembre 2, 2016 na kumitil ng 15 katao habang 70 naman ang nasugatan.

Bandang alas-6:50 ng umaga nang matagpuan ang package sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa harapan ng US Embassy kung saan agad na ikonordon ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division ng MPD.

Ang nasabing package ay nakalagay sa kahon na may mga blasting cap, detonator, cellular phone, at 9 volt battery ay natagpuan ng street sweeper na naglilinis na agad namang ini-report sa mga awtoridad.

Ang cellular phone naman ang triggering device ng nasabing bomba.

Samantala, agad namang nai-detonate ng bomb squad ang nasabing bomba bago pa man ito makapinsala.

Sa Camp  Aguinaldo, sina­bi naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Res­­tituto Padilla, posibleng diversionary tactics ito ng Maute terrorist groups na napre-pressure na sa bakbakan sa Lanao del Sur.

Idinagdag naman nito na walang dapat ikabahala dahil ginagawa naman ng mga awtoridad ang lahat ng makakaya nito upang sawatain ang Maute terro-rist group.

 

vuukle comment

BOMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with