^

Metro

Bebot binurdahan ng saksak ng bayaw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ang isang 29-anyos na babae nang burdahan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng kaniyang bayaw habang sakay ng pampasadang dyip, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Isinailalim sa surgical operation sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ann Marie Sapnu, ng no. 4367 L. Bernardino St., J. de Leon, Valenzuela City dahil sa dami ng saksak sa katawan.

Nagtatago na umano ang suspek na si George Canceran, 42, welder, nakatira rin sa nabanggit na address at kapatid ng  kinakasama ng biktima na si Rodel Carceran, 40.

Sa ulat ni PO2 Wendham dela Cruz, ng Manila Police District-station 2, naganap ang insidente dakong alas 5:30 ng umaga sa Antonio Rivera St. Tondo.

Magkasama umano ang biktima at ang ka-live-in sa pamamasada ng dyip nang pagsapit sa lugar ay sumakay ang suspek at walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak ang biktima at tumakas.

Patuloy pang inaalam ang motibo at kung saan nagtatago ang suspek.

 

vuukle comment

ANG

ANN MARIE SAPNU

ANTONIO RIVERA ST. TONDO

BERNARDINO ST.

CRUZ

GEORGE CANCERAN

ISINAILALIM

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT

RODEL CARCERAN

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with