^

Metro

Rider, angkas na paslit lasog sa traktora

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider at angkas nitong 4-anyos na batang lalaki nang mabundol ng isang traktora, kamaka-lawa ng gabi sa Navotas City.

Agad na nasawi dahil sa tinamong matinding pinsala si Niño Beltran, ng Brake Water Isla Puting Bato, Tondo, Maynila, ha­bang hindi naman umabot ng buhay ang angkas niyang bata na si Sonny Belicario, ng Baseco, Tondo.

Nakaligtas naman sa kamatayan nang magtamo lamang ng bahagyang pinsala sa tuhod ang isa pang angkas na si Elvie Ibañez, nanay ng nasawing paslit, 29, ng Baseco, Tondo. Isi­nugod ito sa nabanggit na pagamutan at napalabas rin agad.

Sa ulat ng Navotas City Traffic Management Unit, naganap ang aksidente dakong alas-6:20 ng gabi sa kanto ng C-3 Road at        M. Naval Street sa Brgy. North Bay Boulevard South.

Patawid ng C-3 Road ang motorsiklo na minamaneho ni Beltran nang mabundol ng traktora (AJA-9840) na minamaneho ni Alvin Joey Guttierez, 28, ng Bitungol, Bulacan.

Sinabi ni Guttierez na diretso umano siya sa pagmamaneho sa C-3 Road nang biglang tumawid ng alanganin ang motorsiklong lulan ang mga biktima.

Sa kabila nito, sasampahan pa rin si Guttierez ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide at physical injuries sa Navotas City Prosecutors Office.

Ayon pa sa pulisya magkaibigan umano ang nasawing si Beltran at Ibanez at kasama naman ng huli ang anak nitong si Sonny ng maganap ang trahedya.

vuukle comment

ACIRC

ALVIN JOEY GUTTIEREZ

ANG

ATILDE

BASECO

BELTRAN

BRAKE WATER ISLA PUTING BATO

ELVIE IBA

GUTTIEREZ

NAVAL STREET

NAVOTAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with