^

Metro

Kelot nag-amok, utas sa pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang lalaki makaraang mabaril ng mga tauhan ng Caloocan City Police nang hindi makontrol sa umano’y pag-aamok nito, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Nakilala ang nasawi na si Saidamen Macapantong, 29, ng Phase 12 Brgy. 188 Tala, ng naturang lungsod.

Sa ulat, sinabi ni Police Community Precinct 4 head, Insp. Henry Taule na nagpapatrulya sila sa lugar dakong alas- 9:20 ng umaga nang lumapit ang ina ni Macapantong at humingi ng saklolo sa ginagawang pagwawala nito.

Kasama ang mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU), rumesponde ang mga pulis at inabutan na nagpapaputok ng kalibre .9mm na baril sa ere ang suspek at hinahamon ang lahat ng away.

Nang pasukuin, akmang babarilin umano ng suspek ang mga pulis sanhi para paputukan na ito ng mga otoridad dahilan ng agad nitong kamatayan.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang anim na basyo ng bala ng kalibre .9mm pistol na gamit ng nasawi at mga bala ng M-16 rifles at 12-gauge shotgun na gamit naman ng mga pulis.

Hindi naman na ipinasailalim ng mga kaanak ng nasawi ang bangkay nito dahil sa kanilang paniniwala sa relihiyon.

vuukle comment

ANG

BRGY

CALOOCAN CITY POLICE

HENRY TAULE

KASAMA

MACAPANTONG

MGA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAIDAMEN MACAPANTONG

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SPECIAL REACTION UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with