^

Metro

Magsisimbang gabi, binatilyo dinedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na nakarating sa simbahan para sa Simbang Gabi ang isang binatilyo makaraang barilin at mapatay ng kanyang kapitbahay, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay dahil sa tama ng bala sa ulo sa Tondo Medical Center ang 17-anyos na si France Welmor Parohinog, nasa 1st year ng Tañong National High School at residente ng Pinagsabugan Street, Brgy. Longos, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman nga­­yon ang tumakas na suspek na nakilalang si Jonathan Gadon, alyas Pimpoy, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-3:40 ng madaling araw sa may Pinagsabugan Street. Naglalakad umano ang biktima para mag-Simbang Gabi nang lapitan ng suspek.

Pinagbintangan ng suspek ang biktima na siyang namamato sa kanyang bahay hanggang sa mauwi sa pagtatalo. Dito nagbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ng isang beses sa ulo ang binatilyo.

Agad na sinaklolohan ng mga kaanak ang biktima at isinugod sa pagamutan habang tumakas na ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BRGY

FRANCE WELMOR PAROHINOG

JONATHAN GADON

MALABON CITY

NATIONAL HIGH SCHOOL

PINAGSABUGAN STREET

SIMBANG GABI

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with