^

Metro

Pintor inatado ng kasamahan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang house painter ang patay makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan matapos na isumbong umano ng una ang huli sa kanilang amo sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima ay nakila­lang si Jessie Jularbal, 45, may asawa ng 564 Delas Alas St., Bgy. 57 Zone 8 Pasay City.

Pinaghahanap naman ang suspect na si Rolando Mira, ng Caloocan City na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa imbestigasyon ni PO2 Julius Balbuena, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng isang bahay sa Dr. Alejos St., Brgy. San Isidro Labrador sa lungsod ganap na alas-7:45 ng umaga.

Sinabi ni Balbuena na batay sa pahayag ng  testigong si Allan Malate, nakatayo umano siya malapit sa lugar nang makita niya ang suspect na dumating at ki­nompronta ang biktima.

Dito ay narinig ni Malate ang suspect minura ang biktima at pinagbintangan na sa kanilang amo. Kasunod nito ay ang pagdukot ng  patalim ng suspect sa kanyang backpack at inundayan ng mga saksak ang huli.

Mabilis na tumakas ang suspek. Habang dinala naman ang biktima sa Chinese General Hospital

Hindi naman malinaw sa imbestigador kung ano ang isinumbong ng biktima sa kanilang boss na ikinagalit nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ACIRC

ALLAN MALATE

ANG

CALOOCAN CITY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DELAS ALAS ST.

DR. ALEJOS ST.

JESSIE JULARBAL

JULIUS BALBUENA

PASAY CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with