^

Metro

Trike driver dinedo ng pasahero

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver makaraang barilin ng kanyang pasahero sa hindi pa mabatid na kadahilanan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Alvin Quisumbing, ang biktima ay nakilalang si Edwin Sanchez, 37, ng Block 6, Lot 39, Espina St., Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik sa lungsod.

Ayon kay Quisumbing, base sa pagsisiyasat, ilang testigo ang nagsabing pasahero ng biktima ang bumaril sa kanya na agad na tumakas makaraan ang krimen.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa harap ng isang convenience store na matatagpuan sa Block 31, Lot 4, Bounganvilla St., Maligaya Park, Bargy. Pasong Putik, ganap na alas- 2 ng madaling araw.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente para matukoy kung sino ang salarin at posibleng motibo sa krimen.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

ANG

AYON

BARGY

BOUNGANVILLA ST.

BRGY

EDWIN SANCHEZ

ESPINA ST.

MALIGAYA PARK

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

PASONG PUTIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with