^

Metro

Salvage victim, itinapon sa estero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakasilid sa isang itim na plastic bag at itinapon sa Estero de Sunog Apog, sa Bukid Paulino Extension, Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na  nasa edad 30-35, may taas 5’2-5’4, may tattoo na dragon at tribal sa braso, at may tattoo din na “JDC Mando” at “Xan­drex” sa kanang bahagi ng dibdib.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6:00 ng umaga nang  makita ng isang basurero ang nasabing plastic bag at naisipang kalkalin kung saan nagulat ito nang unang lumabas sa plastic ang kaliwang binti.

Agad niyang ipinagbigay-alam ito kay Barangay Kagawad Glorioso Ramirez kaya inireport naman sa MPD.

Nakabaluktot ang bangkay ng lalaki kung saan nakitaan ito ng tama ng bala ng baril sa dibdib.

Dinala ang bangkay sa St. Yvan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY KAGAWAD GLORIOSO RAMIREZ

BUKID PAULINO EXTENSION

DINALA

ESTERO

INILARAWAN

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ST. YVAN FUNERAL

SUNOG APOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with