^

Metro

11 sugatan jeep nag-dive sa Lagusnilad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-isa katao kabilang ang driver ng pampasaherong jeep ang nasugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyan sa Lagusnilad sa panulukan ng Padre Burgos Drive at Villegas St., sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni SPO1 Richard Borbon ng Manila District Traffric Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Tumakas umano ang su­gatang driver ng dyip na may plakang TVY-585 na nakilala sa alyas na Arman, na sinasabing nagtamo ng sugat sa ulo at braso at nagmamadaling sumakay sa pedicab patungong Divisoria.

Apat sa 11 sugatan ang isinugod sa Phi­lippine General Hospital (PGH) habang ang anim pa ay isinugod sa magkakahiwalay na pagamutan.

Paliwanag ng ilang pasahero,  mabilis ang kanilang takbo nang biglang sumulpot ang tumatawid na batang hamog sa lugar kaya iniwasan ng driver.

Kinabig umano ni Arman ang ma­nibela hanggang sa magpagewang-gewang at bumangga sa poste at puno bago nahulog  sa ibaba ng Lagusnilad.

Rumesponde ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na siyang humila sa pampasaherong jeep.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APAT

ARMAN

DIVISORIA

GENERAL HOSPITAL

LAGUSNILAD

MANILA DISTRICT TRAFFRIC ENFORCEMENT UNIT

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

RICHARD BORBON

VILLEGAS ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with