^

Metro

Bodyguard itinumba ng tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang personal security  matapos itong barilin ng riding in tandem na suspect habang nakasakay ang biktima sa sasakyan at naka-escort sa mga anak ng kanyang amo kahapon ng madaling araw malapit sa South Luzon Expressway (SLEX),  Pasay City.

Dead on arrival sa Para-ña­que Doctor’s Hospital ang biktimang si Vicente Abonalla, 36, ng Parañaque City sanhi ng tina­mong  tatlong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan  ng mga suspek at nagsasagawa pa ng follow-up operation hinggil sa insidente.

Lumalabas sa pagsisiyasat nina SPO3 Allan Valdez at SPO2 Ricardo Mallong Jr.,  ng Station Investigation and  Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-12:10 kahapon ng madaling araw sa West Service Road, Nichols Interchange, malapit sa SLEX ng naturang lungsod.

Nabatid  na sakay ang biktima sa bandang harapan ng isang Nissan Safari na pag-aari ng among si Roberto Catapang Jr., at naka-escort ang una sa mga anak.

Habang binabagtas ng mga ito ang naturang lugar at matigil dahil sa  trapik ay tinabihan ng isang motorsiklo na walang plaka lulan ang dalawang suspect na kapwa nakahelmet.

Isa sa mga suspek na naka­angkas sa likod ang bumunot ng baril at malapitang ilang ulit na pinaputukan ang naturang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek at ang biktima naman ay mabilis na dinala sa naturang ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment

ACIRC

ALLAN VALDEZ

ANG

ATILDE

DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

NBSP

NICHOLS INTERCHANGE

NISSAN SAFARI

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RICARDO MALLONG JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with