^

Metro

Bading nag-suicide dahil sa kumalat na sex video

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 36-anyos na accountant at miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) brotherhood  ang nagpatiwakal  dahil sa depresiyon kaugnay sa diumano’y pagpapakalat ng kaniyang  katrabaho ng sex video  na naging daan upang iwasan siya ng iba pang kasamahan sa call center sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Batay sa nakuhang identification card, nakilala ang nasawi na si  Angelo  Santos Aventurado.

 Sa ulat ni  SPO2 Jona­than Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre na nagpatiwakal ang biktima sa loob ng Anthony Lodging Inn sa C.M. Recto Ave., Quiapo.

Ayon sa kaibigan nito na si Reymund Campo, 35,  alas- 10:00 ng gabi ng Huwebes,  isang lalaki na kasama ng biktima at siya ang pumasok sa lodging inn at matapos niyang maligo ay iniwan  na niya na ang dalawa upang mag-videoke at alas-3:35 ng madaling-araw ay bumalik na siya kung saan nakita niyang  nag-iisa na ang biktima sa kuwarto. Pinaalis muna siya ng biktima at nagsabing gusto niyang mapag-isa. Nang binalikan niya kinabukasan ay  pinagkakaguluhan na sa loob ng inokupang silid sa ika-3 palapag ng motel.

Nabatid na kinakatok umano ng room boy ang silid upang ipaalala na tapos na ang 12-hours stay na binayaran ng P250. subalit walang sumasagot kaya ginamitan ito ng duplicate key upang malaman kung ano ang nangyari. Ayon kay Campo­ nag-resign ang biktima dahil sa depresyon nang hindi na umano siya kausapin at walang tigil na pasaringan ng mga kasamahan sa trabaho simula nang ipakalat umano ng isa diumanong katrabaho ang sex video.

Ang sex scandal umano na nangyayari sa biktima, ani Campo, ay pinlano umano ng kasamahan sa trabaho ng biktima dahil ang gumastos umano upang makunan ang pakikipagtalik ay kasamahan din nito sa trabaho at ang lalaki na ginamit ay kasamahan din sa trabaho upang sirain siya.

“Kasi si Angelo ay accoun­tant, matalino at marami na siyang napuntahang BPO pati sa ibang bansa. Ngayong huli sa Makati ang base ng kaniyang call center. Isang buwan pa lang daw siya dun siya na ang ipadadala sa US base ng kompanya kaya may naiinggit sa position niya,” ani Campo.

 Sa panig naman ni SPO2 Bautista, “Hindi pa natin alam kung anong BPO office yung pinasukan ng biktima, wala pa din tayo kopya ng sex video  kung totoong yun ang dahilan ng suicide niya.”

vuukle comment

ACIRC

ALPHA PHI OMEGA

ANG

ANGELO

ANTHONY LODGING INN

AYON

BAUTISTA

BIKTIMA

ISANG

NBSP

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with