^

Metro

2 ‘tirador’ sa LRT, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang dalawang lalaking salisi sa LRT kabilang ang isang menor de edad na nagkukunwaring sasakay subalit nandurukot lamang makaraang mabu­king nang ituro ng ilang nakasaksi sa Sta. Mesa station, Pureza, sa Maynila, kamakalawa ng hapon.

Masuwerteng nabawi ang cellphone ng biktimang si Jennifer Cruz, 19, estudyante at residente ng Cainta, Rizal, mula sa mga suspek na kinilalang sina Mark Jodel Estabillo, 27, ng at 17-anyos na si alyas Jayjay.

Sa ulat ni Manila Police District-station 4, chief, P/Supt. Mannan Muarip, dakong alas-5:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa LRT 2 flatform  habang nag-aabang ng parating na tren ang biktima.

Pinagitnaan umano ng dalawang suspek ang biktima at nang biglang umalis ito ay nakaramdam ng kaba ang biktima kaya inalam ang bag kung may nawala at natukoy na wala nga  ang kaniyang cellphone na nagkakahalaga ng P5,000.

Ilang nag-aabang din na pasahero ang nagsabi sa biktima na dinukutan siya ng dalawang lalaki kaya agad bumaba at isinumbong sa nakaposteng pulis sa LRT station kaya agad binitbit ang dalawang papatakas na sana na mga suspect. Nakapiit ang dalawa sa nasabing police station.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAINTA

ILANG

JAYJAY

JENNIFER CRUZ

MANILA POLICE DISTRICT

MANNAN MUARIP

MARK JODEL ESTABILLO

MASUWERTENG

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with