^

Metro

Tsinoy trader patay sa atake, makaraang mabiktima ng holdap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang 59-anyos na bar owner na hinihinalang inatake sa puso sa gitna ng takot habang siya ay igina­gapos nang holdapin sa loob ng kanyang sasakyan sa Intra­muros, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Matigas na ang bangkay ng biktimang si Angel Dy, may-ari ng Khaga Resto Bar na mata­tagpuan sa Intramuros, Maynila at residente ng Parañaque City. Naka­gapos ang kanyang mga kamay at paa ng duct tape na ipinuwesto sa likod na bahagi o pas­senger seat ng kanyang Montero (TQV 527).

Nadiskubre siyang patay ng isang Valentino Abucay, 22, waiter at empleyado ng biktima nang puntahan umano nito ang sasakyan ng amo na nakaparada sa  P. Burgos St. Ermita, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla, ng Manila Police District-Homicide Section,dakong alas-3:40 ng madaling-araw  nang matagpuang walang buhay sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan ang biktima at nawawala rin ang clutch bag na naglalaman ng mahaha­lagang dokumento at cash.

Nabatid na ang biktima ay palaging dumadaan sa kanyang bar sa Intramuros upang mag-tsek bago ito umuwi sa kanyang bahay.

Nagawang hanapin umano ng waiter ang sasakyan ng amo nang tumawag sa kanila ang misis ng biktima dahil hindi pa ito umuuwi at doon namataan ang sasakyang nakahimpil. Nadiskubre itong hindi na gumagalaw sa loob ng sasakyan at may pala­tandaang pinahirapan. Ma­aaring inatake umano sa puso ang biktima na dati na umano nitong sakit.

vuukle comment

ANGEL DY

BURGOS ST. ERMITA

DENNIS TURLA

INTRAMUROS

KHAGA RESTO BAR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NADISKUBRE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with