^

Metro

Bike rider dedo sa semplang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 35-anyos na mister dahil sa pinsala sa ulo matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo na walang helmet kamakalawa ng madaling-araw sa Valenzuela City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ramonito Magalang, maintenance boy at nakatira sa #17 Malinis St., Brgy. Lawang Bato sa naturang lungsod. Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Maysan Road noong Huwebes ng madaling-araw nang maganap ang aksidente. Bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at tumama sa gutter sa tapat ng waiting shed ang motorsiklo kaya ito sumemplang. Tumama sa semento ang ulo ni Magalang kaya agad itong namatay. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BIGLA

BRGY

DANILO GARCIA

HUWEBES

KINILALA

LAWANG BATO

MALINIS ST.

MAYSAN ROAD

RAMONITO MAGALANG

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with