^

Metro

Trike driver itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 45-anyos na lalaki nang barilin sa ulo ng hindi pa nakilalang mga salarin, habang nagpipintura ng kaniyang ipinapasadang tricycle sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jufe Espraguera, residente ng La Torre St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng La Torre at Masangkay Sts. Tondo.

Nais umano ng biktima na madaliin na ang pagpipintura kaya nilamay ito upang matapos.

Habang busy sa ginagawa ay lumapit umano ang dalawang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket at nakitang kausap ang biktima na tila may itinatanong hanggang sa bumunot ng baril ang isa at malapitang pinutukan sa ulo ang biktima.

Tumakas ang mga suspek matapos ang isinagawang krimen. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

vuukle comment

BLANGKO

HABANG

JOHN CHARLES DURAN

JUFE ESPRAGUERA

LA TORRE

LA TORRE ST. TONDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MASANGKAY STS

MAYNILA

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with