^

Metro

Parak bulagta sa tandem

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang idating sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ang isang pulis makaraang  pagbabarilin ng riding-in-tandem­ suspects sa parking lot ng isang sa­bungan, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang nasawi na si SPO2 Gilbert Peralta,­ nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib.

Ayon kay Senior Superintendent Roberto Fajardo, hepe ng  CIDG’s National Capital Region (NCR), patuloy pa nilang inaalam ang motibo  sa naganap na krimen.

Ayon sa report, ang biktima ay nagsasagawa umano ng surveillance operations sa lugar nang ito ay pagbabarilin nang malapitan ng mga suspek.

Naganap ang insidente sa parking area ng San Roque cockpit arena sa Brgy. San Roque kamakalawa ng gabi.

May ulat din naman na sinasabing ang biktima ay siya umanong sponsor ng cockfighting derby.

Nabatid na patungo si SPO2 Peralta sa kanyang asul na  Toyota Fortuner nang ito ay lapitan ng gunman at pagbabarilin sa ulo at dibdib.

Kaswal lang na naglakad ang gunman at tinungo ang kasama na naghihintay sa kulay gray na motorsiklo na walang plaka at tumakas patungo sa Marcos Highway.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GILBERT PERALTA

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with