^

Metro

Tandem niratrat, kapwa utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang kalalakihang lulan ng motorsiklo makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang  suspek habang sugatan din  ang mag-ama na tinamaan ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Parehong dead-on-the-spot ang mga biktimang nakilalang sina King Philip Borja, 30; at Eliseo Tana, 52, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 at 9mm na baril sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sugatan naman ang mag-amang sina Apronio Andrino, 39; at John Nikol, 15.  Ayon sa Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi sa Buenaventura St., Brgy. Tangos ng naturang lungsod.

Nabatid na angkas ni Borja sa Mio motorcycle na for registration si Tana at habang binabagtas nila  ang kahabaan ng M. Domingo St.  ay bigla  na lamang silang pinaulanan ng bala ng mga suspek na naging dahilan ng agarang  nilang kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis  na tumakas ang mga suspek habang iniwan nilang duguan at walang buhay ang mga biktima. Samantala, dinala naman ang mag-ama sa nasabing pagamutan matapos tamaan ng  ligaw na bala.

Patuloy naman ang masusing im­bestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril.

vuukle comment

APRONIO ANDRINO

BUENAVENTURA ST.

DOMINGO ST.

ELISEO TANA

JOHN NIKOL

KING PHILIP BORJA

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with