^

Metro

2 kelot patay sa heat stroke

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na hini­hinalang biktima ng heat stroke ang natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa Sta. Cruz at Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Unang nirespondehan ng Manila Police District-Homicide Section ang isang hindi pa kilalang pasahero   na nakitang nakatalungko at nadiskubreng patay sa loob ng isang jeep  na biyaheng Cubao-Divisoria, habang nagtatawag ng pasahero ang driver na si Ro­berto Avero, sa bahagi ng CM Recto, sa Sta. Cruz, Maynila ala-1:30 ng madaling-araw.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo inilarawan niya ang biktima sa edad na 40 hanggang 45, 5’5’’ hanggang 5’7’’ ang taas, katamtaman ang pangangatawan,  nakasuot ng kulay abuhing t-shirt  at kulay brown na shortpants.

Naisugod pa siya sa Jose Reyes Memorial Medical Cen­ter kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Dakong alas  6:30 ng uma­ga, kahapon nang makatanggap ng tawag ang pulisya sa MPD-Binondo Police Station 11, hinggil sa natagpuang biktima na wala nang buhay sa loob ng compound ng Ardee’s  Ventures and Logistics Company  sa 109 Muelle dela Industria sa Binondo. Nakilala ang biktimang si Sandalo Galvan, 60, na isang artist at residente ng   Ermita, Manila.

Sa ulat ni PO3  Michael Maraggun, contractual artist sa nabanggit na kompanya ang biktima na nakita na lamang ng kasamahang pintor na si Vicente Oliverio na hindi gumagalaw habang nakayuko ito sa isang forklift sa nasabing compound.

Nadiskubreng nagdurugo ang ilong ng biktima, kaya agad niya itong ipinagbigay alam sa pulisya ng naka-duty na security guard.

 

vuukle comment

BINONDO

BINONDO POLICE STATION

CRUZ

GLENZOR VALLEJO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CEN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MICHAEL MARAGGUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with