^

Metro

P6.8-B pekeng produkto winasak sa Camp Crame

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P6.8 bilyong halaga ng mga pirated at counterfeit ng mga produkto ang pinison kahapon sa ginanap na ceremonial destruction sa grandstand ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, kahapon.

Ayon kay Intellectual Property Office (IPO) of the Philippines Director Atty. Ricardo Blancaflor  ang winasak na mga produkto ay nasamsam ng pinagsanib na operatiba ng mga law enforcement agencies sa pangunguna ng PNP umpisa Enero hanggang nitong Mayo  2014.

Sinabi ni Blancaflor na malaki ang nagawa ng pinaigting na anti-piracy campaign upang matanggal na ang Pilipinas sa talaan ng mga bansa sa mundo na talamak ang pamimirata ng mga pekeng produkto.

Nabatid na isinagawa naman ang ceremonial destruction kaugnay ng Anti-World Counterfeiting Day.

Inihayag ng opisyal na malaki ang nawawala sa kaban ng ekonomiya ng bansa dahilan sa pamimirata bukod pa sa posibleng epekto nito sa kalusugan tulad ng ‘lead content ‘ sa mga lokal na konsumer nito partikular na ang mga Pinoy.

Sa ginanap na ‘ceremonial destruction ‘ ay gumamit ng armored vehicle at grinder ang PNP upang wasakin ang mga pekeng produkto tulad ng mga CD’s , DVD’s , mahihinang klase ng mga sapatos , mga gamot na hindi dumaan sa pag-aapruba ng Bureau of Food and Drugs  o mga peke at iba pa.

Samantalang maging ang sikat na programa sa telebisyon na SOCO ( Scene of the Crime Operatives ) ni Gus Abelgas ay pinipirata na rin na kabilang sa mga winasak na CD’s.

Kaugnay nito, ipinagmalaki naman ni Ronnie Ricketts, Chairman ng Optical Media Board na nagagalak sila at nakilala na sa buong mundo na tinanggal na sa watchlist ang Pilipinas sa kabuang 301 mga bansa na matindi ang problema sa mga pinirata at pekeng produkto.

Samantala, ayon pa kay Ricketts ay tuluy-tuloy ang kanilang operasyon partikular na sa Quaipo at Baclaran kung saan talamak ang bentahan ng mga piniratang CD’s at DVD’s na sumisira sa industriya ng pelikula at maging ng musika.

vuukle comment

ANTI-WORLD COUNTERFEITING DAY

CAMP CRAME

GUS ABELGAS

INTELLECTUAL PROPERTY OFFICE

OPTICAL MEDIA BOARD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHILIPPINES DIRECTOR ATTY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with