^

Metro

Sinaniban daw! Mister tinodas si misis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagsisi ang nadarama ngayon ng isang mister nang makita niyang naliligo na sa sariling dugo ang kanyang misis matapos niya itong pagtatagain at mapatay, kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila.

Kasalukuyang nakapiit sa Manila Police District – Homicide Section ang suspek na si Arsenio Banez, 56, matapos itong arestuhin nang tagain ng jungle bolo ang kanyang misis na si Monica, 56, kapwa residente ng Procter and Gamble, 2-3 Area 7, Gawad Ka­linga Village, Baseco Compound Port Area, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro­, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon habang naglalaro ng bingo ang biktima kasama ang   mga kapitbahay sa  Area 6 at Area 7 sa Gawad Kalinga sa Port Area.

Unang inakala ng marami na may ibang kaaway  ang suspek nang  dumating at armado ng jungle bolo.

Laking gulat nila nang bigla nitong tinaga ang asawa­ sa tiyan. Mabilis namang dinala sa Gat Andres Bonifacio Medical Memorial Hospital ang biktima su­balit namatay din matapos ang isang oras.

Ayon sa suspek hindi umano niya alam ang kanyang ginawa kaya nagulat na lamang siya nang hara­ngin siya ng mga pulis habang lumalakad. Aniya, tila may bumubulong sa kanyang likod na gawin ang krimen.

“Hindi ko alam, parang may sumanib sa akin” anang suspek.

Posible umanong lulong sa droga ang suspek kung kaya’t nagawa ang pagpatay sa kanyang misis.

Kakasuhan naman  ito ng  parricide sa piskalya.

 

vuukle comment

ARSENIO BANEZ

BASECO COMPOUND PORT AREA

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL MEMORIAL HOSPITAL

GAWAD KA

GAWAD KALINGA

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with