^

Metro

Hapones di-nagbayad sa club, dinakma

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang 42-anyos­ na turistang Hapones matapos na hindi nito ma­bayaran ang malaking ha­laga na kan­yang kinain at ininom na alak sa isang club sa F.B. Harrizon Street sa Pa­say City kamakalawa ng gabi.

Kaagad na ipinaabot naman ng Pasay City PNP  sa Japanese Embassy ang pag­kakadakip kay Masashi Narita, pansamantalang na­nunuluyan sa Room 408 Crosswind Hotel, Airport Road, Pasay City matapos hindi nakapagbayad ng P10, 686. 50 sa Universe Girl’s Club na sinasabing pugad ng prostitusyon sa nasabing lungsod.

Lumalabas sa reklamo ni Herminigilda Cabrera ng #1124 Laguna Ext. Tondo, Manila at assistant manager ng naturang club, pumasok sa nasabing club ang suspek bandang alas-11 ng gabi kung saan inokupahan ang table # B-4 bago umorder ng mga pagkain at inu­ming alak.

Makaraan ang apat na oras na pananatili sa club, ipinasiya na ng waitress na ibigay ang bill para sa kabuuang halaga na ba­bayaran ng suspek subalit hindi na ito nabayaran sa hindi nabatid na dahilan. 

Dahil dito, humingi na ng tulong  sa pulisya si Cabrera kaya inaresto ang suspek sa kasong estafa.

 

vuukle comment

AIRPORT ROAD

CROSSWIND HOTEL

HARRIZON STREET

HERMINIGILDA CABRERA

JAPANESE EMBASSY

LAGUNA EXT

MASASHI NARITA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with