^

Metro

Jeep vs bus: 9 sugatan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang siyam na katao nang sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa sinusundan nitong Mersan bus sa kahabaan ng tinaguriang “killer highway” sa Commonwealth Avenue sa may Philcoa, Quezon City.

Alas 9:10 kahapon ng umaga nang maganap ang pagbangga ng pampasaherong jeep na may plakang TWR 788 sa Mersan bus na may plakang UVN 403 sa naturang lugar.

Nabatid na nakahinto ang naturang bus para magbaba at magsakay ng pasahero ng bigla itong banggain ng jeep na sinasabing nawalan daw ng preno. Galing ng Tunangko, Bulacan ang bus at papunta sana sa Baclaran area.

Agad dinala sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan na karamihan ay pasahero ng jeep.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to pro­perty and multiple phy­sical injury ang driver ng jeep.

vuukle comment

BACLARAN

BULACAN

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MERSAN

NABATID

NAHAHARAP

PHILCOA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with