^

Metro

Nakabulagta na, baril ninakaw pa: Parak patay sa hit and run

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis nang mabundol ng isang rumaragasang sports utility vehicle (SUV) ang kanyang minama­nehong motorsiklo, kama­kalawa ng gabi sa Taguig City.

Unang inakala ng mga imbestigador ng Taguig City Police na biktima ng pamamaril si PO1 Ace Bogayong Aguilar, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng Na­tional Capital Region Police Office(RPSB-NCRPO).

Subalit lumutang ang ilang testigo na nakakita sa insidente na naganap ito alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng C-5 Road sa Barangay Pinagsama sa naturang lungsod.

Lumabas sa pagsisiyasat nina SPO1 Virgilio Almazan, Jr. at PO2 Alberto Canonigo, Jr. ng Homicide Section ng Taguig City Police na sakay ng kanyang Yamaha scooter si Aguilar at tinatahak ang south-bound lane nang kabigin sa gawing kanan ang motorsiklo upang iwasan ang isang malaking truck na mabilis ang dating sa kanyang likuran.

Sa pahayag ng mga lumutang na testigo sa pulisya, hindi umano na­puna ng pulis ang papa­rating namang Toyota Fortuner sa gawing kanan kaya’t nahagip nito ang motorsiklo ng pulis na tumilapon at tuluyang na­sagasaan.

Sa halip na huminto, mabilis na humarurot patakas ang driver ng SUV at dahil madilim umano sa lugar, hindi na nakuha ng mga testigo ang plaka ng  sasakyan.

Ayon pa sa pulisya, isang lalaki ang nakita ng isang batang testigo na tumulong pang magsaayos ng daloy ng trapiko upang hindi mahagip muli ang biktima subalit bigla nitong dinampot ang baril ng nakabulagtang pulis.

Nang tanungin umano ng bata kung bakit dinampot ang baril, sinabi umano ng lalaki na itatago muna niya upang hindi makuha ng iba subalit nang dumami na ang mga taong nag-usyoso ay bigla na lamang nawala ang naturang lalaki.

Inaalam na ng pulisya kung may CCTV sa lugar na pinangyarihan ng in­sidente upang matukoy ang plaka ng sasakyang nakahagip sa biktima.

vuukle comment

ACE BOGAYONG AGUILAR

ALBERTO CANONIGO

BARANGAY PINAGSAMA

CAPITAL REGION POLICE OFFICE

HOMICIDE SECTION

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with