Bus humampas sa jeep; 8 sugatan
MANILA, Philippines - Isang babae ang tumilapon sa jeep matapos masagi ng isang humaharurot na bus sa lungsod ng Quezon ngayong Biyernes ng umaga.
Bukod sa babaeng biktima, pito pa ang sugatan na pawang sakay ng jeep na may biyajeng Cubao-Fairview.
Lumabas sa pangunang imbestigasyon na nilampasan ng Korima bus ang pampasaheron jeep sa kahabaan ng Commonwealth avenue malapit sa tanggapan ng Commission on Human Rights.
Sa pag-over take ng bus ay nasagi nito ang jeep dahilan upang mawalan ito ng kontrol.
Kaagad isinugod sa ospital ang mga biktima.
Nasakote ang tsuper ng bus malapit sa Tandang Sora Avenue flyover.
- Latest