^

Metro

Panggagahasa vinideo Seaman ipinahuli ng menor de edad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang seaman matapos na  ireklamo ng  panggagahasa ng  isang menor de edad  sa isang  hotel sa   Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni  Manila City hall- Manila Action and Special Assignment (MASA) chief, Chief Insp. Bernabe Irinco,  Jr.  ang suspek na si Roderick Padilio, 42, tubong Kabangkalan, Negros Occidental at isang  oiler (JEBSEN).

Sa panayam sa biktimang si  Nora, 17, sinabi nito na naganap ang insidente noong Marso 12 sa City State Hotel sa Sta. Cruz, Maynila nang  pumayag  siyang makipagkita sa  suspek   dahil may papipirmahin umano ito sa kanya na dokumento para sa ATM.

Nagulat  na lamang ang biktima nang pumasok sila sa nasabing hotel. Sa kabila ng kanyang panlalaban ay naisagawa ng suspek  ang   panggagahasa kung saan inirecord pa  ito ng suspek sa kanyang  laptop.

Sa pahayag ng biktima sa imbestigador na si PO3 Christian Balais, matapos ang  11 isang araw ay mu­ling nagtext sa kanya ang  suspek at sinabihang makipagkita na binalewala naman ng biktima.

Subalit natakot ang  biktima nang  itext siya ng  suspek ng, ‘ pag di ka nakipagkita sa akin baka ipost ko na to sa mga  facebook at mga  friends mo’. Bunsod nito nakipagkasundo ang  biktima na makipagkita  sa suspek kahapon sa isang mall sa tapat ng  city hall kung saan humingi naman ng tulong sa MASA .

Agad namang umaksiyon ang  mga operatiba ng  MASA sa pangunguna ni Sr. Insp. Ness Vargas at dinakip ang  suspek. Kabilang  sa mga dumakip ay sina PO1 Abdul Jabbar Alonto, PO1 Jake Balberde, PO2 Christopher Silva, PO2 Norman Manalansan, SPO1 Joel Aquino at SPO1  Nicanor Zablan III.

Inamin naman ng  suspek ang kanyang ginawa kung saan sinabi nito na  nais niyang gawing souvenir ang  video dahil papaalis na  uli siya ng bansa sa susunod na buwan.

 

vuukle comment

ABDUL JABBAR ALONTO

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CHRISTIAN BALAIS

CHRISTOPHER SILVA

CITY STATE HOTEL

CRUZ

JAKE BALBERDE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with