^

Metro

Tandem muling sumalakay: Trike driver patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang patay makaraang pagbabarilin ng naka-bonnet na riding in tandem suspect sa lungsod Quezon, kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) nakilala ang nasawi na si Gordon Sacasas, 34, ng Sampaguita St., Brgy. Ba­tasan sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtori­dad, nangyari ang insidente sa may IBP Road, corner Kagandahan St., ganap na alas-12:20 ng hapon.

Diumano, magpapa-vulcanize sana ng gulong ng kanyang tricycle ang biktima ma­lapit sa nasabing lugar nang biglang su­mulpot ang mga suspek at pagbabarilin ito.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktima dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

BRGY

DIUMANO

GORDON SACASAS

ISANG

KAGANDAHAN ST.

MABILIS

PATULOY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with