^

Metro

Nainis sa sermon Ama tinodas ng anak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ama matapos na saksakin ng kan­yang sariling anak nang sermunan ng biktima ang suspect sa pagiging sutil at suwail nito sa magulang kahapon sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Manila Central University Hos­­pital sanhi ng saksak sa dibdib  ang biktimang si Edwin Lumbres, Sr., 42, nakatira sa Intan St., Bagong Barrio ng naturang lungsod bunsod ng saksak sa dibdib buhat sa isang patalim.

Nasa custody naman ng Caloocan City Police ang suspect na si Edwin Lubres Jr, 17, nakatira sa nasabing ding lugar.

Sa pagsisiyasat ng Ca­loocan City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-ama sa naturang lugar.

Nabatid na sinermunan ng biktima ang suspect dahil sa pagiging matigas ang ulo at pasaway sa magulang.

Nagalit ang suspect hang­gang sa nagtalo ang mag-ama at dito na kumuha ng patalim ang suspect at sinaksak nito ang biktima.

Mabilis na isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay habang kusang  loob namang sumuko  sa pulisya ang suspect.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CITY POLICE

EDWIN LUBRES JR

EDWIN LUMBRES

INTAN ST.

MABILIS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with