^

Metro

Lady guard kinatay ng lover

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 30-anyos na lady guard matapos itong pagsasaksakin ay nilaslas pa ang mukha, kaliwang dibdib, at tinanggalan pa ng utong dahil sa matinding selos ng kanyang lover sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Hermogenes Capili ang biktima na si Donnabelle Gama­yon habang pinaghahanap naman ang suspek na si Alberto Balde, 37, isang matadero.

Naganap ang krimen  bandang alas-8:30 ng gabi sa inuupahang bahay ng magka-live-in sa Sampaguita St., Maligaya Park Subdivision, Barangay Pasong Putik.

Sa salaysay ng kapitbahay na si Maria Teves,  tinatangkang saksakin ng suspek ang biktima habang nakayuko ito pero binalewala ito niya sa pag-aakalang nagbibiruan ang dalawa.

Dito narinig ni Teves na nagtatalo na ang dalawa kung saan ilang minuto ang nakalipas ay humihinggi na ng saklolo ang lady guard.

Nabatid na anim na buwan pa lamag nagsasama  ang dalawa  hanggang sa magsimulang mag-away dahil sa tsismis na ang biktima ay may kinalolokohan ibang lalaki.

Lumilitaw din sa ulat ng pulisya na may isinampang reklamo sa barangay hall ang biktima laban sa suspek.

 

vuukle comment

ALBERTO BALDE

BARANGAY PASONG PUTIK

DITO

DONNABELLE GAMA

HERMOGENES CAPILI

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

MARIA TEVES

QUEZON CITY

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with