^

Metro

Killer ng brgy. chairman, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 22-anyos na lalaking sina­sabing namaril sa loob ng barangay hall sa Balut, Todo, Maynila kamakailan kung saan napatay nito ang barangay chairman at tatlo pa ang nasugatan.

Nakapiit sa MPD-Homicide Section detention cell ang suspect na si Baltazar Achoy, 22, ng  Bldg. 21, Unit 324,  Permanent Housing, Balut Tondo.

Sinabi ni Senior Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Section, na inginuso ang suspect ng dalawang saksi na siyang bumaril kay  Chairman Rolando Reyes, 53, ng Brgy. 131,  Zone 11, District 1.

Sa naturang insidente tinamaan din ng ligaw na bala ang misis ng nasawi na si Marilou, 50; tanod na si Juanito Fausto, 41; at Adrian Daguio, 2-anyos.

Sa pangunguna ni PO2 Edgardo Palabay ng MPD-station1, inaresto si Achoy sa loob ng kanilang bahay  dakong alas-10:02 ng gabi, kamakalawa.

Nabatid na ligtas na sa panganib ang batang nadap­lisan ng bala sa ulo, ang tanod na nabaril sa binti dahil sa paghabol sa suspect at naoperahan na rin ang misis ni chairman na si Marilou, na nagtamo ng tama ng bala sa bukong-bukong.

vuukle comment

ADRIAN DAGUIO

BALTAZAR ACHOY

BALUT TONDO

CHAIRMAN ROLANDO REYES

EDGARDO PALABAY

HOMICIDE SECTION

JUANITO FAUSTO

MANILA POLICE DISTRICT

MARILOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with