^

Metro

Binata pumalag sa holdap, tinarakan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ngayon ang isang bi­nata makaraang pumalag sa dalawang lalaking nangholdap sa kanya kama­kala­wa ng gabi sa Caloocan City.

Ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Cen­ter ang biktimang si Conrado Benido, 28, vendor, ng  Phase 10 B, Package 5, Block 30, Lot 9, Brgy. 176, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong ilang saksak sa katawan.

Naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa kahabaan ng Main Road, Phase 10, Brgy. 176, Bagong Silang habang nagla­lakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang dalawang holdaper at tinutukan ito ng patalim saka nag­deklara ng holdap.       

Dahil dito ay pumalag ang biktima kung kaya’t sinaksak ito ng mga suspect at saka kinuha ang pera ng una at pagkatapos ay nagsitakas.        

Ang biktima naman ay isinugod sa nabanggit na pagamutan ng ilang taong nagmamalasakit.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

CONRADO BENIDO

DAHIL

EAST AVENUE MEDICAL CEN

MAIN ROAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with