^

Metro

Brgy. kagawad,niratrat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang isang barangay kagawad makaraang barilin ng hindi pa kilalang lalaki, habang nakikipagkuwentuhan sa isang babae sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Gat Andres  Bonifacio Memorial Medical Center  ang biktimang si  Lord Alfred Elmido, 36, barangay kagawad  ng  Brgy. 20, at resi­dente rin ng lugar.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00  ng gabi kamakalawa nakatayo malapit sa isang tindahan sa Gate 17, Area-D, Parola Compound ang biktima at isang alyas Grace nang biglang lapitan ng suspect ang kagawad at walang sabi-sabing paputukan ito sa ulo.

Nakatakbo pa ang biktima kahit may tama sa ulo subalit hinabol pa siya ng lalaking salarin na nakasuot ng  kulay brown na jacket at may taas na 4”11’’, at pinagbabaril siya sa katawan. Inaalam pa ang motibo at  pagkikilanlan sa salarin.

vuukle comment

AREA-D

BINAWIAN

BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GAT ANDRES

LORD ALFRED ELMIDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

PAROLA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with