^

Metro

Motorsiklo salpok sa truck: 1 utas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa nitong kasamahan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa likod ng container truck, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Agad na nasawi ang biktimang nakilalang si Donald Abadlao, 22, ng Signal Village Taguig City, habang isinugod naman sa Ospital ng Makati ang mga angkas nitong sina Glenn Coral Duran, 22; at Francis Ampuan Asperon, kapwa ng Mahimbing Street, Signal Village, Taguig.

Pansamantalang hawak naman ngayon ng Makati City Traffic Bureau at isinasailalim sa imbestigasyon ang driver ng Isuzu cargo truck (THE-792) na si Teofilo Arellano, 28, ng Samson Road, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:30 kahapon ng ma­daling-araw sa kanto ng Arnaiz Avenue at Osmeña Highway. Mabilis umano ang takbo ng mga biktima sa Honda motorcycle (AA-4606) na minamaneho ng na­sawing si Abadlao nang biglang mabulaga sa paghinto ng trak sa kanilang unahan.

Diretsong sumalpok si Abadlao sa bakal na con­tainer van habang tumilapon ang dalawang angkas na pawang mga walang suot na crash helmet.  Inaalam rin ngayon ng pulisya kung nakainom ng alak ang mga biktima.

Sa loob ng presinto, itinanggi ni Arellano na biglaan siyang nagpreno kaya nabulaga ang mga biktima.  Iginiit nito na matagal na siyang nakahinto dahil sa pulang traffic light.  Sa kabila nito, sasampahan pa rin ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries si Arellano.

vuukle comment

ABADLAO

ARELLANO

ARNAIZ AVENUE

DONALD ABADLAO

FRANCIS AMPUAN ASPERON

GLENN CORAL DURAN

MAHIMBING STREET

MAKATI CITY

MAKATI CITY TRAFFIC BUREAU

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with