^

Metro

Wanted na rapist, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang limang taong pagtatago, nadakip ng  mga tauhan ng Manila- City Hall Public Assistance (CHAPA)  ang  isa sa dalawang suspect sa panggagahasa sa isang babae na noo’y menor-de-edad sa Sta. Cruz, Maynila noong 2007.

Kinilala ni Manila CHAPA chief, Sr. Insp. Rolando Lorenzo, Jr. ang  suspect na si  Christian Cardenas, alyas King, 23, tricycle driver at naninirahan sa  #1826 Felix Huertas St., Sta. Cruz, Maynila habang nagta­tago pa rin ang kasamahan nitong­ nakilalang si Jeffrey Maguirre.

Ang pagkakadakip sa suspect na si Cardenas ay batay sa warrant of arrest na inilabas ni Manila  RTC Judge Celestina Mang­robang ng Branch 38. Ang mga suspect ay inireklamo ng panggagahasa  ng biktimang itinago sa pangalang  Susan, 19, ng Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Lorenzo, nagtungo sa kanilang tanggapan ang  biktima kasama ang ina nito  upang ipatupad ang nasabing warrant of arrest.

Agad na bumuo ng  grupo si Lorenzo na kinabi­bilangan nina Sr. Insp. Raymundo Regala, SPO1 Rosendo Ascaño, PO3 Adolf Tagufa, PO3 Christian Balais,  PO3 Wilfredo Magbitang, PO2 Joel Ascaño, PO2 Noli Pineda, PO2 Jonathan Acido, PO2 Herminio Bautista, PO2 Renato Salinas,  PO1 William Aniel at PO1 Christopher Razon.

Dakong alas-2 ng  hapon kamakalawa ay positibong itinuro ng biktima si Car­denas na noo’y naglalaro ng  chess sa panulukan ng  P. Guevarra at Malabon Sts.

Hindi naman nanlaban ang suspect kung saan pinayuhan itong manahimik habang patungo sa Ospital ng Maynila.

 

vuukle comment

ADOLF TAGUFA

CHRISTIAN BALAIS

CHRISTIAN CARDENAS

CHRISTOPHER RAZON

CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

CRUZ

FELIX HUERTAS ST.

MAYNILA

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with